WOLF IN MAN'S CLOTHING

Sa Wakas

Maingat kong inaral
ang ‘yong bawat kaliwa’t kanan,
bawat samu’t saring
pasikotsikot 
ng mapang akala ko’y patungo

sa ‘yong tahanan.

Ngayo’y isa-isa kong pilit
nililimot ang mga pangalan
ng kalye’t daanan
upang sa wakas

ako nama’y tumahan.

Notes

  1. johncagz said: ugh, i wish my tagalog was better so i could understand this. :\
  2. wolfinmansclothing posted this